Tuesday, 24 January 2012

NAWALA SA ISIPAN

Ni: Bernadette Sayo  #50



Mayroon kayang sakit sa pagkalimot? o sadyang makakalimutin lang talaga tayong mga Pilipino? Alam naman natin na may likas na makakalimuti tayong mga pinoy, at kabilang na ako sa mga makakalimuting iyon. Narito at ibabahagi ko ang aking karanasan sa pagkalimot na ito… 

Nung minsan pinagsaing ako ng aking nanay, nagsaing naman ako. Lumabas ako sandali dahil bumili ako ng surf para sa aking pag lalaba, pagkabalik ko nakalimutan kong may sinaing nga pala ako, nawala sa aking isipan na may niluluto pala ako,. At nung naamoy ko na nasusunog na yung sinaing ko, non ko lang naalala na may sinaing nga pala ako. Ako lang kasi mag isa sa bahay kaya walang nakakita na nasusunog na pala. Nung pag uwi ng nanay ko, napagalitan ako, kung anu-anu daw yung inaatupag ko kaya ko raw nasunog yung sinaing ko. Ito ang isang karanasan na nangyari sa akin.        
                              At eto pa ang isa, inutusan naman ako ng aking kuya na bumili na RC, pagkakuha ko ng pera sa kanya, pumasok ako sa kwarto ko para magbihis at naibaba ko ang pera sa ibaibaw ng durabox ko, paglabas ko ng kwarto hininingi k ko kay kuya yung pambili, sabi niya sakin “binigay ko na sayo wah” sabi ko naman “ay oo nga pala, eh san ko ba nailagay yung pera”. Hanap rito, hanap roon, tingin ditto, tingin doon, nalibot ko na yung buong bahay namen pero hindi ko nakita yung pera. Inalala ko yung mga pinuntahan ko pagkabigay saken ng pera. Naalala ko na pumasok nga pala ako sa kwarto ko, at pagpasok ko sa kwarto,, nakita ko na nakalagay yung pera sa may ibaibaw ng durabox, naalala ko na, na dun ko nga pala nailagay nung ako ay nababahis. Pag labas ko ng kwarto, natawa na lang ako sa nangyare, sinabi ko kay kuya na “nakita ko na yung pera, dun ko pala naiwan sa may durabox sa kwarto ko, sabi saken ni kuya, “kay bata bata mu pa ulianin ka na” nangiti na lang ako, hehehehe.
                            At bilang katapusan ng aking karanasan, mayroon palang mga taong sadyng makakalimutin noh, just like me. Hindi naman natin ito maiiwasan e, dahil gustuhin mo man o hindi, mangyayari ito sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang pagkalimot ba ay dapat ng iconsider bilang isa sa mga sakit ng Pilipino?