Monday, 23 January 2012

GONG PAGONG

Ni: Abigail Capulong #8




     Pagtunog ng orasan, alam kong oras na, at dapat na akong bumangon kahit gusto ko pang matulog. Talagang mahirap bumangon lalo’t alam kong maaga ang pasok ko at kailangan ko nang mag ayos bago pumunta sa school. At alam ko na mahuhuli na naman ako sa klase. Ito ang pinoproblema ko noong ako’y nasa secondarya pa lamang.

                                    Hindi lang yan, pag gising ko kailangang kumain ng almusal para may laman at umandar din ang utak, dahil ang sabi nila kung walang laman na tiyan walang laman ang utak. Pero sadyang nahihirapan akong kumain sa tuwing umaga parang ako’y busog na busog kaya pinipilit ko na lang para ako’y makapasok na. isa sa mga dahilan kaya ako nahuhuli sa klase. 



                                  Isa pa rito ang aking paliligo, sadyang napaka bagal at napakatagal kong maligo. May kapatid at ako ang unang naliligo sa kanya. Kaya madalas magalit ang kapatid ko sa akin dahil sa tagal kong maligo. Dinadamay ko raw siya sa pagiging huli ko sa klase. 
     
                                           Pagkatapos kong maligo, ilang minuto rin ang gugugulin ko sa pagbibihis at pag aayos na aking sarili. Simula sa pagpapatuyo ng buhok, pag aayos, pagpapaganda? Aabutin rin ng ilang minuto dahil sa tagal kong kumilos pati na ang pagpunta ko sa paaralan, dahil medyo malayo rin ang paaralan sa aming bahay. Pagpasok ko sa gate, tahimik na, sigurado nakapasok na lahat ng estudyante sa kanilang mga silid aralan. Alam kong nakakahiya na para para pumasok, pero sayang ang araw para may malaman. 

                                     Pagpasok ko sa kwarto, nararamdaman ko na ang kaba, pinagtitinginan ako na mga kaklase ko, nandun na din ang kaba baka sitahin na naman ako ng guro ko. Mahirap talaga ang mahuli sa klase, bukod sa nakakahiya, may malalaktawan ka pang aralin. Sinusubukan kong baguhin ang nakasanayan kong ito para hindi na ulit ako mahuli sa klase.



Mabilis man ang matsing Nalalamangan din!haha