Chibugan sa SM Baliuag!Ako yung nasa kanan hati mukha. :)) |
Hindi ako natatakot pumasok ng
walang dalang pera, kung malapit nga lang BSU sa bahay naming malamang sa
alamang nilalakad ko na lang yun swerte lang kung ganun hindi ko na kailangan
mamasahe pagpasok. Im pretty sure na kapag pumapasok ako nagkakalaman utak ko,
kahit yung bulsa ko hindi haha.. Hindi
na rin nakakapagtaka kung bakit outcast ako kapag nagpaplano silang pumunta sa
malayong lugar, o mamasyal sa SM, kumain sa mga nagmamahalang fastfood sa harap
ng BSU. Ngunit subalit datapwat, gasgas nga aking bulsa ehh hahayaan na nila
ako magmukang tanga nakatanghod sa kanila (haha pina exagge ko lang) siyempre
sasagutin na nila ako.HAHA!! Ang sarap ng feeling may kasama kang mga ganun
tao, may malasakit sa ibang tao at
naiintindihan nila kalagayan ko at isa pa masarap sila kasama kasi libre. Kung minsan din naman
nahihiya na ako sa araw araw na lang na
minsan nalilibre nila ako, naiisip ko ganito na ba talaga ako kasaklap? :<
Hehe!Tigilan na ang pagdadramang bukid ko.
so horrible.... |
May mga pagkakataon din na
nanghihiram ako ng yaman ng mga kaklase ko kapag may mga babayaran kasi. Ayun
nga lang minsan natatagalan bago ko maibalik minsan nga may nakakatampuhan pa
ako dahil dun. Hirap nga kasi kumita ng
pera hindi lang kasi gasgas bulsa ko BUTAS pa!haha.. Halos lahat na kasi ng
bagay dito sa mundo nagmamahalan na, pwera na lang kami ni Papa P. ♥ anu ba yan
ahaha?!
mayaman na ako!!haha |
Kaya ako kapag pinapalad magkaron ng maraming pera ipit na ipit sa wallet ko yun para kapag nangailanga may madudukot. Kung minsan kapag tinatamaan ng kagagahan yung extra money ko hindi ko mapigilan gastahin ng kung ano-ano, bili don bili dito, kain ng kain haha.! Siguro kasi gusto ko lang i-enjoy ang buhay di ba masarap mabuhay. Isa pa sandali lang ang buhay mamaya matanda na ako hindi ko na experience yung kabataan haha. .
Be happy, be thankful, Be BUDOY.hehehe! |
For me it’s not all about the money, but the happiness we feel when we get the things that we want.. As of now, I work hard being a student assistant in General Services Office, ang sarap ng feeling kasi yung perang kinikita ko talagang pinaghihirapan ko. :)
“Money is always hard to earned and even harder to
part with. But in the core of reality, it is the other way around. Money may
not be everything, but it is definitely something..”
end..