Wednesday, 25 January 2012

TAMARITIS

Ni: Jenifer Del Rosario Lacap  #29


Hindi bale ng tamad, hindi naman pagod!
     Iyan ang kataga ng mga kabataan sa ngayon. Sa lahat ng bagay may katamaran factor tayong nararamdaman. Hindi pa nga nasisimulan ang isang gawain o isang bagay umaandar na kaagad ang ating sakit na katamaran. Sa katunayan, kahit sinong tao ay may katamaran ring tinataglay, ako nga bilang isang mamamayan,estudyante at anak tinataglay ko din ang sakit na ito hindi lang halata, hehehe. Atin itong tunghayan...
                     
                         Una, ang katamaran ko “minsan” sa pag aaral. Lahat naman tayo ay dumarating sa time na talagang tatamarin ka sa pag aaral. Ito ay aking naranasan noong ako’y nasa sekondarya pa. Oo nga’t isa akong honor student pero hindi naman ako excepted na maging tamad di ba? Kaya noon, madalas akong umuwi sa tanghali siyempre siesta hour yun di ba? Marami akong dahilan noon, nahihilo, masakit ang ulo, masakit amg tiyan, masakit ang dulo ng buhok, dulo ng daliri, lahat ng dahilan sasabihin ko makauwi lang. pag uwi ko naman sa bahay mababakas sa mukha ng aking ina ang pagtataka, sasabayan ng tanong na “oh bakit ka umuwi?” siyempre kung ano ang idinahilan ko sa aking guro, iyon din ang sasabihin ko sa kanya para hindi mabuko. Nakakapagsinungaling ako dahil sa katamaran ko.
                       
    Pangalawa, ang katamaran ko sa gawaing bahay. Simula na bata  ako wala akong ginawa sa aming bahay kundi ang maglaro. Hindi naman ako pinipilit na nanay ko na gumawa sa bahaydahil nga sa bunsong anak ako. Hindi gaanong mabigat ang gawaing bahay sa amin dahil apat kaming magkakasunod na babae. Hanggang sa lumaki ako, naging dalagita, dalaga, wala pa ring alam. Buhay prinsesa ako, kumbaga sa KATUGA; kain, tulog, gala, iyan ang role ko sa mag hapon. Naging birubiruan nga noon na kung  mag-aasawa daw ako e dapat mayaman, para may katulong. Hanggang sa naging dalawa na lang kami na sinundan kong kapatid, lalo akong naging tamad. Higa dito, basa doon, kain sandali, manunuod mamaya. Iba kasi kapag nakalakihan na eh,hehehe. Minsan habang ako’y nakahiga at sarap na sarap sa panunuod na telebisyon habang ngumunguya, inutusan ako ng ate ko na magwalis man lang sa silong. Siya daw ay pagod na, sa dami nga naman niyang ginawa, naglaba, nagluto, at naghugas na pinggan. Hindi siguro niya natiis na ako’y utusan. Noon ay parang wala akong narinig, sumabay sa hangin ang pakiusap ng aking kapatid. Tuloy sa pagkain, panununod, sarap mahiga eh, nakakapagod, try mo? Hehehe. Dinedma ko siya.. wala siyang nagawa, “utos niya, gawa niya” nang siya’y umibis, nilingon ko siya saglit, at parang may kirot akong naramdaman nang nakita kong pumatak ang luha ng ate ko habang nagwawalis.


   At ng panghuli, ay ang pagiging tamad ko sa pagsisimba. Bilang isang nilalang ng Diyos alam kong obligasyon at tungkulin ko na maglaan ng oras at panahon para sa Kanya. Dati sumasama ako sa isa kong guro nasa sekondarya pa ako para magsimba. Hindi na ako gumagastos ng pamasahe at minsan sagot pa niya, ang pagkain ko. Hindi naging maramot ang aking guro bagkus naging galante pa siya dahil ang dami na niyang tulong sa akin para lang magkaroon ako ng relasyon sa Panginoon. Pero bakit ganoon? Habang lumalaon tinatamad na ako. Tuwing magsesermon ang pari lagi akong inaantok at wala  sa loob ko ang makinig. Humantong pa sa puntong kapag nasa school ako eh talaga namang pinagtataguan ko ang aking guro upang hindi ako makasama sa pagsimba. Minsan kapag nakikita niya ako at sasabihan na ako’y sumama magsimba nangangako lang ako, pero hindi ko tinutupad. Mas gusto ko pang gumala, mahiga at manuod kaysa magsimba dahil sa tingin ko mas masaya makasama ang mga kaibigan ko sa pag gala at matulog kaysa ubusin ko ang oras ko sa pagsisimba at pakikinig sa mga salita nh Diyos na talagamg nakakaboring para sa akin. Iyan ang pinaka malalang nagawa ko dahil sa aking katamaran. Ang pagtalikod sa Diyos.
                        
                Bilang pagwawakas o kungklusyon sa aking karanasan, aking napagtanto na marami pa lang naaapektuhan sa isang indibidwal ang pagiging tamad. Tulad ng aking karanasan, marami akong natutunan at sa kabilang banda ay natauhan, marami akong taong nasaktan, mga bagay na napabayaan at higit sa lahat ang pagtalikod sa Kanya. Hindi ko alam na lubos ko na pala silang nasasaktan basta ang alam ko lang noon ay masaya ako sa ginagawa ko. Iyan na siguro ang tinatawag nating FREEWILL, na tayo ang bahala magdesisyon sa lahat ng gusto natin pero dapat handa tayo sa mga balik nito.. tulad ng naranasan ko ngayon, ako na lang ang walang asawa sa amin kaya nahihirapan ako sa mga gawaing bahay at dahil na rin sa wala akong alam kung paano gawin. Tinuturuan ako noon pero bale wala lang, hindi ko inintindi dahil alam ko nandyan naman sila e, nahihirapan ako kasi ako na lang mag isa, walaakong katulong gumawa. Nandyan nga ang nanay ko subalit dapat ko pa bang iasa sa kanya ang lahat. Hindi na naman  na siya bumabata e bagkus nagkakaedad na, hindi na siya ganon kalakas para magawa ang lahat. Kung hindi ko pa naranasan mag isa sa pag gawa sa bahay, hindi ko maiintindihan ang pakiramdam ng ate ko noon. Tungkol naman sa aking pag aaral. Bumaba din yung grades ko lalo na sa mga academic subjects. Naging pangatlo ako sa top na dati ay pangalawa. Nakakahinayang talaga.



                     Ngayon naman na talagang naputol na yung pagsama ko sa aking guro dahil sa kagagahan ko. Napagod na siguro siya sa kakaiwas ko at sa mga pangako ko na walang katuparan. Ngayon ko lang naramdaman na napakahirap pala ng buhay kapag wala kang relasyon sa Diyos lahat ng ito ay nangyari sa akin dahil sa katamaran ko, simpleng sakit pero maaaring makagawa ka ng bagay na hindi dapat. Maaaring makapagbago ng ating buhay, at maaari nating pagsisihan sa bandang huli.



Tuesday, 24 January 2012

GASGAS ANG BULSA

Ni: Rona Delos Reyes  #18
           Ano nga ba ang gasgas ang bulsa?. Ito ata yung literal na gasgas sa mga pantalon natin haha….. Maraming nakakaranas nito  at maging ako ay hindi exempted sa ganitong sitwasyon. Paano ko nilulunasan ang ganitong sitwasyon sa buhay ko para hindi parating “gasgas ang aking bulsa???”.. Simple lang hindi na ako nagbubulsa sa mga pantalon ko haha.. Seriously speaking, mahirap talaga kapag walang lamang pera yung bulsa o  wallet natin, o kaya yung sakto lang pera natin para sa  isang buong araw. Immune na ata ako sa ganitong pangayayari eh yung wala ng kainan sa tanghalian, ayos na kendi  tsaka tubig. Hindi naman ako umaangal o umaapela kapag WALEY maibigay sakin mga magulang ko kasi alam ko mas gasgas pa mga bulsa nila kesa sakin. Ayoko naman magmukmok lang sa bahay na kasama mudra ko na walang nalalaman. Kaya ako pumapasok pa din ako  para naman tumalino ako, ayoko kasi maapektuhan pagaaral ko nun. “Life must go on” ika nga, malalampasan din ng kung sino man may pinagdaraan katulad ko yun ganito. Nakakasurvive naman ako kanit papano sa BSU kahit gasgas ang bulsa ko. 
Chibugan sa SM Baliuag!Ako yung nasa kanan hati mukha. :))

  Hindi ako natatakot pumasok ng walang dalang pera, kung malapit nga lang BSU sa bahay naming malamang sa alamang nilalakad ko na lang yun swerte lang kung ganun hindi ko na kailangan mamasahe pagpasok. Im pretty sure na kapag pumapasok ako nagkakalaman utak ko, kahit yung bulsa ko hindi  haha.. Hindi na rin nakakapagtaka kung bakit outcast ako kapag nagpaplano silang pumunta sa malayong lugar, o mamasyal sa SM, kumain sa mga nagmamahalang fastfood sa harap ng BSU. Ngunit subalit datapwat, gasgas nga aking bulsa ehh hahayaan na nila ako magmukang tanga nakatanghod sa kanila (haha pina exagge ko lang) siyempre sasagutin na nila ako.HAHA!! Ang sarap ng feeling may kasama kang mga ganun tao, may malasakit sa ibang  tao at naiintindihan nila kalagayan ko at isa pa masarap sila kasama kasi libre. Kung minsan din naman nahihiya  na ako sa araw araw na lang na minsan nalilibre nila ako, naiisip ko ganito na ba talaga ako kasaklap? :<



so horrible....
  Hehe!Tigilan na ang pagdadramang bukid ko.

May mga pagkakataon din na nanghihiram ako ng yaman ng mga kaklase ko kapag may mga babayaran kasi. Ayun nga lang minsan natatagalan bago ko maibalik minsan nga may nakakatampuhan pa ako dahil dun.  Hirap nga kasi kumita ng pera hindi lang kasi gasgas bulsa ko BUTAS pa!haha.. Halos lahat na kasi ng bagay dito sa mundo nagmamahalan na, pwera na lang kami ni Papa P. ♥  anu ba yan ahaha?!

mayaman na ako!!haha
“Pangarap kong maging  mayamang mayaman tulad nila kris Aquino. Mamasyal sa Italy,London,at japan. Bibili ng mamahaling alahas, para lumigaya. Yung tipong hindi ko na mabilang kung magkano na kayamanan ko haha!. (asa ka pa!! sabi ng epal kong kapatid habang nangangarap ako ng gising haha.) 

 Kaya ako kapag pinapalad magkaron ng maraming pera ipit na ipit sa wallet ko yun para kapag nangailanga may madudukot. Kung minsan kapag tinatamaan ng kagagahan yung extra money ko hindi ko mapigilan gastahin ng kung ano-ano, bili don bili dito, kain ng kain haha.! Siguro kasi gusto ko lang i-enjoy ang buhay di ba masarap mabuhay. Isa pa sandali lang ang buhay mamaya matanda na ako hindi ko na experience yung kabataan haha. .  




Be happy, be thankful, Be BUDOY.hehehe!

  For me it’s not all about the money, but the happiness we feel when we get the things that we want.. As of now, I work hard being a student assistant in General Services Office, ang sarap ng feeling kasi yung perang kinikita ko talagang pinaghihirapan ko. :)


“Money is always hard to earned and even harder to part with. But in the core of reality, it is the other way around. Money may not be everything, but it is definitely something..”



end..

NAWALA SA ISIPAN

Ni: Bernadette Sayo  #50

Monday, 23 January 2012

GONG PAGONG

Ni: Abigail Capulong #8




     Pagtunog ng orasan, alam kong oras na, at dapat na akong bumangon kahit gusto ko pang matulog. Talagang mahirap bumangon lalo’t alam kong maaga ang pasok ko at kailangan ko nang mag ayos bago pumunta sa school. At alam ko na mahuhuli na naman ako sa klase. Ito ang pinoproblema ko noong ako’y nasa secondarya pa lamang.

                                    Hindi lang yan, pag gising ko kailangang kumain ng almusal para may laman at umandar din ang utak, dahil ang sabi nila kung walang laman na tiyan walang laman ang utak. Pero sadyang nahihirapan akong kumain sa tuwing umaga parang ako’y busog na busog kaya pinipilit ko na lang para ako’y makapasok na. isa sa mga dahilan kaya ako nahuhuli sa klase. 



                                  Isa pa rito ang aking paliligo, sadyang napaka bagal at napakatagal kong maligo. May kapatid at ako ang unang naliligo sa kanya. Kaya madalas magalit ang kapatid ko sa akin dahil sa tagal kong maligo. Dinadamay ko raw siya sa pagiging huli ko sa klase. 
     
                                           Pagkatapos kong maligo, ilang minuto rin ang gugugulin ko sa pagbibihis at pag aayos na aking sarili. Simula sa pagpapatuyo ng buhok, pag aayos, pagpapaganda? Aabutin rin ng ilang minuto dahil sa tagal kong kumilos pati na ang pagpunta ko sa paaralan, dahil medyo malayo rin ang paaralan sa aming bahay. Pagpasok ko sa gate, tahimik na, sigurado nakapasok na lahat ng estudyante sa kanilang mga silid aralan. Alam kong nakakahiya na para para pumasok, pero sayang ang araw para may malaman. 

                                     Pagpasok ko sa kwarto, nararamdaman ko na ang kaba, pinagtitinginan ako na mga kaklase ko, nandun na din ang kaba baka sitahin na naman ako ng guro ko. Mahirap talaga ang mahuli sa klase, bukod sa nakakahiya, may malalaktawan ka pang aralin. Sinusubukan kong baguhin ang nakasanayan kong ito para hindi na ulit ako mahuli sa klase.



Mabilis man ang matsing Nalalamangan din!haha




GUSTO KO PANTAY TAYO

Ni: Angelie Ribaya  #43


          Actually, di ko rin alam kung bakit iyan ang pamagat nitong blog ko . hahaha. Sabi lang ng leader ko. Hayaan mo na nga. Hmmm, hindi naman porke ganyan yung pamagat ng blog ko ay iyan na agad yung gusto ko. Ang gusto ko lang naman eh yung hindi nakakadown. Yung tipong sige mas magaling ka/siya pero dapat magaling din ako. Hahaha, nakakawala kasi ng self-confidence eh. Eto ikukwento ko yung experience ko nung bata pa ako.   

        Nung ako palang yung anak na mama`t papa ko ade sa lahat ng bagay ako ang sikat, teka hinda naman un yung kwento hahahah. Basta dati ang hilig ko ay kumanta e wala naman akong comment na naririnig sa kanila ede ayun na nga. 5years ang gap ng kapatid kong sumunod sa akin. Basta ganun ede lumaki na siya siguro mga 5 years old siya ako naman ay 10 years old. Nasa sala kami nun tapos yung mama ko nasa kwarto bale kaming tatlo ng kapatid kong pangalawa at bunsong baby pati yung papa ko. May videoke set noon dun sa sala ng mga lola ko. Ede kumakanta yung kapatid kong sumunod sa akin. Hmmm, if i`m not mistaken ‘DADALHIN’ by Regine Velasquez pa yung kinakanta ng kapatid ko nun. Tapos nung biglang magsalita yung papa ko, sabi niya kay mama ko, ‘mas magaling pa lang kumanta si Allissa Lesa kay Angelie’ . iyan mismo ang pagkakarinig ko sa bibig na papa ko. Tapos pagkatapos nung narinig ko iyon din a ko kumanta. Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko pakiramdam ko ang pangit pangit ng boses ko natatandaan ko nga noon. Reunion namin yun tapos yung mga pinsan ko nagkakantahan di naman sa pagmamayabang pero mas may boses ako sa kanila ayun nga binati ako ng pinsan ko sabi niya ‘Gelie bakit di ka kumakanta? Di ba mahilig kang kumanta?’ tango tapos ngiti na lang yung sagot ko sa kanya………….
          Ngayon kumakanta na ako pero kapag wala lang yung papa ng mga kapatid ko. Hahaha kasi kapag nandyan sila habang kumakanta ko, nahihiya ako. Alam kong maganda ang boses niya, wala naman akong sinabing hindi e, porke ba pangit ang boses, bawal ng kumanta? Hahaha. Alam kong hindi ganon kaganda yung boses ko no. haha sabi nga nung nakausap ko dati sa phone ‘pang DJ daw yung boses ko. Aww, hwaww. Hahah. Well sana nga, hmmm, sabi nga na mga nakakakwentuhan ko ng naging experience ko dapat daw pinatunayan kong maganda din yung boses ko. Eh among magagawa ko humina ang loob ko? Hayaan na nga natin yun, ang mahalaga yung ngayon kumakanta na ulit ako.

Peace na tayo!! :)